DALAGITA, TODAS SA RAPIST

NAGSASAGAWA NA NANG masusing imbestigasyon Ang San Juan Police para matukoy kung sino ang responsible sa pangagagahasa at pagpatay sa 13 anyos na dalagita kamakalawa ng hapon sa San Juan City.

Basag ang mukha nang biktimang si Sheena Mae Robles, 13, at residente ng 293 Haig St., Brgy. Bagong Silang, Mandaluyong City nang matagpuan ang naaagnas nitong bangkay sa isang bakanteng lote.

Ang bangkay ay nadiskubre dakong 4:30 ng hapon sa isang matalahib at bakanteng lote sa may F. Blumentritt St., Brgy. Kabayanan, sa nasabing bayan ng isang barker na nakilala lamang sa layas na Jeff.

Nabatid na manunubig sana ang barker sa madamong lugar nang makaamoy ito ng masangsang at nang kanyang tingnan ay halos masuka ito sa ayos ng biktima na nakabisaklat ang mga paa, nakataas ang dalawang kamay at walang underwear.

Pinaniniwalaang pinalo o binagsakan ng matigas na bagay ang mukha ng biktima dahil sa halos pagkabasag nito.

Ayon kay Margie Robles, tiyahin ng biktima, noong Marso 2, alas 7:00 ng gabi, nang huli nilang makitang buhay ang biktima, matapos na magpaalam na magsasauli lamang ng libro sa isang di pinangalanang kaklase.

Ito na rin ang huling pagkakataon na makita nila ang biktima at matapos ang limang araw na paghahanap ay bangkay na ito nang matagpuan. (GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.