Dalagita, todas sa pamamalo ng nanay

BOCAUE, BULACAN – WALA nang buhay nang dumating sa Rogaciano Memorial Hospital ang katawan ng isang batang babae na tadtad ng pasa sa iba’t ibang bahagi ng katawan makaraang pag papaluin umano ng kanyang nanay kamakalawa ng hapon sa Brgy. Antipona sa nabanggit na bayan.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt.Elvis Diaz kay Acting PNP Provincial Director P/SSupt. Fernando H. Mendez, Jr., kinilala ang suspek na si Ruth Hernandez Y Francisco, 26 anyos, samantalang ang biktima naman ay nakilalang si Mildred, 12 anyos, hindi tunay na pangalan, residente sa nabanggit na barangay.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga awtoridad dakong alas-3 ng hapon nang maganap ang insidente ng pananakit sa biktima ng kanyang ina sa loob ng kanilang tahanan.

Ayon naman kay Dr. Florante Sabino, dakong alas-3:30 ng hapon nang ideklarang dead on arrival ang biktima sa nabanggit na pagamutan, kung saan lumilitaw sa inisyal na pagsusuri ng doktor na Hematoma ang ikinamatay ng dalagita, dahil sa matinding palo sa malambot na bahagi ng ulo ng dalagita, bukod pa ang mga palo sa iba’t ibang bahagi ng katawan na mistulang dumaan sa hazing.

Depensa naman ng ina ng bata, simpleng palo lang ang ginawa niya sa kanyang anak, kung saan magkasabay pa silang nanood ng palabas sa tele-bisyon. Nagulat na lang ito nang makitang nakahandusay sa loob ng CR ang kanyang anak.

Samantala, dali-dali naman itong humingi ng tulong sa kanyang mga kapit-bahay at agad na isinugod sa pagamutan ang biktima, subalit bigo itong mailigtas ng mga doktor.

Kaugnay nito, detenido ngayon ang suspek sa Bocaue Municipal Jail habang iniha-handa ang kasong Parricide.

(TONY DELA PEÑA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.