Dalagita, Todas sa BF na Lolo Dahil sa Selos

STA. MARIA, BULACAN – Hindi na umabot pa nang buhay sa Rogaciano Memorial Hospital ang isang menor de edad na dalagita dahil sa dami ng saksak na tinamo nito mula sa 61-anyos na boyfriend, habang sugatan din ang nakatatandang kapatid ng biktima na sinasak din ni Lolo, kamakalawa ng tang-

hali sa Sitio Pisang, Brgy. San Jose Patag sa bayang ito.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Raniel Valones kay PNP Provincial Director P/S Supt. Fernando H. Mendez, Jr., kinilala ang nadakip na suspek na si Roby Dela Torre Y Bauso, binata, construction worker, ng 337 Sitio Gulod-ll sa nabangit na barangay, samantalang kinilala naman ang nasawing  biktimang si Roselle Estellero Y Bandiola, 16 anyos, na nagtamo ng maraming tama ng saksak sa likurang bahagi ng kanyang katawan, habang sugatan sa saksak ang  17-anyos nitong kapatid na babae.

Base sa paunang im-bestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas-12:30 ng tanghali nang magtungo ang suspek sa bahay ng biktima, kung saan nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa dahil sa umano’y may kinalolokohang ibang lalaki ang kanyang GF.

Nabatid sa imbestigasyon ng mga pulis sa suspek na matinding selos ang naging dahilan kung kaya hindi na nito napigilan ang kanyang sarili nang malaman nitong may mga kausap na ibang lalaki ang biktima.

Samantala, agad namang nadakip ang suspek, kung saan nahaharap ito sa patung-patong na kaso na kasalukuyang nakakulong  sa Sta. Maria Municipal Jail.

(Tony dela Peña)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.