Dalagita, Tinangayan ng Cellphone, Sinalatan ng Ari

SWAK SA kulungan ang binatilyo matapos salatin at nakawin ang cellphone ng natutulog na kalugar na dalagita sa Malabon City kahapon ng madaling-araw.

Nahaharap sa kasong theft at acts of lasciviousness si Khyroe Donato Dugan, 17, ng Chico Road, Potrero ng lungsod.

Sa ulat, alas-3:45 ng madaling-araw, nagising ang biktimang edad 16 habang natutulog sa loob ng kanilang bahay dahil sa paghawak ng suspek sa ari ng dalagita.

Nang magmulat ng mata ang biktima ay nakita ang suspek na nakahawak sa ari ng una at dala na ang cellphone ng dalagita.

Agad na tumakbo papalabas ng bahay ang suspek habang nagsumbong sa ina ang biktima na sinamahan sa presinto at madakip ang suspek sa isinagawang follow-up operation at mabawi ang cellphone.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.