Dalagita, Tinangay at Hinalay ng 3 Naka-Bonnet

TINANGAY BAGO hinalay ang isang dalagita ng tatlong hindi pa kilalang mga suspek sakay ng puting van sa Navotas kahapon ng madaling-araw.

Sa pahayag ng biktimang edad 17, alas-3 ng madaling araw, naglalakad siya papauwi sa Quintos St., San Jose ng lungsod nang tabihan ng puting van na hindi na nakuha ang plaka bago babaan ng tatlong lalaki na naka-bonnet.

Sapilitan isinakay ang biktima sa van kung saan isa ang sumuntok sa sikmura sa biktima na naging dahilan upang mawalan ng malay.

Nang magising ang biktima ay wala nang saplot sa hindi pa tukoy na bahay at nahalay na.

Nakadampot ng tansan ang biktima at nagawang maikayod sa braso ng isa sa mga suspek na naging dahilan upang masugatan.

Dahil sa ginawa ng biktima ay sunod-sunod na sampal ang inabot sa nasugatan na suspek at nang makakuha ng tiyempo ay nagawang makatakas ng biktima at magsumbong sa mga pulis.

Inaalam na ng mga pulis kung sino ang mga suspek.

(MARY H. SAPICO)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.