Dalagita, Tigok sa Silver Cleaner

WALANG BUHAY na dinala sa pagamutan ang isang menor de edad na babae nang tunggain nito ang isang boteng silver cleaner sa loob ng kanilang bahay sa Caloocan City, noong Martes ng gabi.

Kinilala ng Women’s and Children’s Concerned Desk (WCCD) ng Caloocan City Police ang biktima na si Jenny Javierto, 15, ng # 205 Maagap St., General Tirona, Bagong Barrio ng nasabing lungsod.

Ayon kay Jun Javierto, 49, kapatid ng biktima, bandang alas-11:30 ng gabi, mahimbing silang natutulog sa loob ng kanilang bahay nang marinig nilang ang sigaw ni Jenny mula sa sala ng kanilang bahay.

Nang puntahan nila ito, tumambad sa kanila ang bumubulang bibig ng dalagita kung kaya’t dag-lian nila itong dinala sa Manila Central University Hospital, pero wala nang buhay.

Walang masabi ang pamilya Javierto kung ano ang rason ng pagpapakamatay ni Jenny.

Sinabi pa ni Jun na masaya pa niyang kakuwentuhan ang kapatid nang gabing maganap ang insidente at wala naman naikukuwentong problema ang dalagita.

Walang ring suicide note ang kanyang kapatid kung kaya’t nagtataka sila kung bakit iyon nagawa ni Jenny.

(ROMAN MAGPOC)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.