Dalagita, Sugatan sa Ligaw na Bala

SUGATAN ANG 11-anyos na dalagita matapos tamaan ng stray bullet sa Naga City.

Agad namang inaresto ng mga kinauukulan ang mag-amang Rodolfo at Raymund Cuevas.

Depensa ng nakatatandang Cuevas, hindi niya inakalang may tatamaan ng bala ng kalibre .38 na baril na ginamit niya bilang warning shot upang matigil ang komosyon sa kanilang bakuran.

Binugbog kasi ang kanyang anak matapos mabuntis ang dalagang anak ng kanilang kapit-bahay.

Samantala, kasong paglabag sa Omnibus Election Code ng Comelec at Frustrated Murder ang kakaharapin ng mag-ama.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.