Dalagita, Sinakmal ng Buwaya

IDUDULOG SA Sangguniang Panlalawigan ng Isabela ang panganib na dulot ng mga inaalagaang buwaya sa ilang lugar sa San Mariano, Isabela.

Lumalabas sa nakuhang impormasyon ng mga kinauukulan kay ex-officio member Marcelino Espiritu, sectoral representative on agriculture sa Sangguniang Panlalawigan, isang 17 anyos na dalagita sa Sitio San Isidro, Disulap, San Mariano ang sinakmal sa hita ng isang buwaya habang siya ay naghuhugas sa gilid ng ilog.

Nilalapatan na sa San Mariano Community Hospital ang hindi na pina-ngalanang biktima na agad na nasaklolohan ng mga kasama sa ilog.

Sinabi ni SP Member Espiritu na nagiging suliranin ng mga mamamayan malapit sa mga ilog sa San Mariano ang pananakit ng mga buwaya.

Samantala, ilang ulit nang nagpakawala ng mga buwaya ang Mabuwaya Foundation na tinutulungan ng isang Non-Government Organization sa ibang bansa upang maisalba ang lumiliit nang bilang ng Philippine Crocodile na matatagpuan lamang sa ilang bahagi ng bansa tulad sa San Mariano, Isabela.

PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.