Dalagita, Sex Slave ng Sariling Ama

NATAPOS ANG pagiging sex slave ng isang dalagitang nabuntis matapos magkalakas ng loob na isumbong sa ina ang ginagawang panghahalay ng ama sa Valenzuela City kamakalawa ng madaling-araw.

Kulong naman at nahaharap sa kasong Incestuous Rape si Damacsino Palay, 46, ng Dulilia St., Lingunan ng lungsod.

Sa pahayag ng biktimang edad 14, nagsimula siyang halayin ng kanyang ama noong siya ay siyam na taong gulang pa lang.

Pinagbabantaan siya ng suspek na papatayin silang magkapatid kapag nagsumbong kanino man at dahil sa takot ay nanahimik ang biktima.

Alas-5:30 kamakalawa ng madaling-araw, muling nahalay ang biktima ng suspek sa loob ng kanilang bahay kahit buntis na ng limang buwan ang dalagita at katabing natutulog ang anim na taon na kapatid na totoy.

Nagawang magsumbong ang biktima sa ina na naging dahilan upang samahan sa presinto at ipadakip ang suspek bago sinampahan ng nasabing kaso.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.