Dalagita, Pumalag sa Rapist, Pinagsasaksak

KRITIKAL NGAYON sa pagamutan ang isang dalagita makaraang pagtangkaang gahasain at pagnakawan pa ng isang miyembro ng akyat-bahay gang sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Kinilala ni Caloocan City Sub-Station 2 Commander Police Chief Inspector Ilustre Mendoza ang biktimang si Mariela Mata, 17-anyos at naninirahan sa Centro St., 9th Avenue West, Caloocan City.

Samantala, nasa loob ngayon ng selda ang suspek na nakilalang si Richie Nibado, 21-anyos, labas-masok sa kulungan at kasalukuyang naninirahan sa #111 9th Avenue sa nasabing lungsod.

Ayon kay P/Chief Insp. Mendoza, dakong alas-6:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng biktima sa nasabing lugar.

Nabatid na walang pahintulot na pumasok ang suspek sa loob ng bahay ng dalagita at dumiretso ito sa silid ng una.

Dito ay pinagbubuksan ng huli ang mga drawer at aparador ng biktima at pinagkukuha ang mga mahahalagang gamit nito.

Nakita ng suspek ang magandang hubog ng katawan ng una ay pinaglalamas umano nito subalit nagising ito dahilan upang manlaban ang biktima.

Habang nanlalaban si Mata ay binunot ng suspek ang kanyang patalim at pinag-uundayan ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ang una.

Isang kasamahan sa bahay ng biktima ang nakakita sa mga pangyayari kaya agad itong humingi ng tulong sa kanilang mga kapit-bahay na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Agad namang dinala sa nasabing pagamutan ang biktima, kung saan ito ngayon ay kritikal pa ang kundisyon.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.