Dalagita, Pinulutan sa Inuman

LUHAANG DUMULOG sa himpilan ng pulisya ang isang 14-anyos na dalagita upang ipagharap ng reklamo ang kanilang kapit-bahay na umano’y gumahasa sa kanya habang nakikipanood ng television sa kanilang katabing-bahay sa Malolos City.

Base sa ulat na ipinadala ni P/Chief Inspector Samuel Guimbongan kay PNP Provincial Director P/Sr. Supt. Fernando Mendez, Jr., kinilala ang nadakip na suspek na si Anacleto de Guzman Y Laguerta, 36 anyos, tubong-Pagulingin Bata, Lipa City, Batangas, at residente ng Brgy. Panasahan. Samantalang ang biktima naman ay itinago sa pangalang Kate.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas-11 ng hating-gabi nang maganap ang panghahalay sa dalagita.

Ayon sa biktima, pumunta siya sa tahanan ng kanilang kapit-bahay upang makipanood ng TV dakong alas-3 ng hapon.

Nabatid na masaya silang nanonood ng TV kasama ang ilang mga kaibigan, habang nag-iinuman naman ang mga suspek at mga kaibigan nito sa kusina ng bahay kung saan nakikipanood din ang suspek.

Makalipas ang ilang minuto, tinawag siya ng suspek, upang makisuyo na magpabili ng alak, na agad naman nitong sinunod. Subalit habang inaabot ang pera na pambili ng alak, bigla na lamang itong niyakap at pinaghahalikan sa maseselang bahagi ng kanyang katawan.

Nagpipiglas siya sa suspek, subalit binantaan umano siya ng suspek na papatayin. Dahil sa sobrang takot, nanginginig itong dinala ng suspek sa isang silid at doo’y inalisan siya ng saplot sa katawan, kung saan pinipilit niyang lumaban ngunit sadyang malakas ang suspek.

Matapos ang panghahalay, muli bumalik sa inuman ang suspek na parang walang nangyari, na naging dahilan naman upang makakuha ng pagkakataon ang biktima na makatakas at magsumbong sa mga pulis.

Samantala, detenido ngayon ang suspek sa Malolos City Jail sa kasong Rape in relation to RA 7610.

(TONY DELA PEÑA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.