Dalagita, Pinulutan ng Kainuman

ISANG 16-ANYOS na dalagita ang ginahasa ng 25-anyos na lalaki na kanyang nakainuman sa loob mismo ng bahay ng salarin sa may Little Tondo, Barangay San Roque sa Zamboanga City.

Kaagad namang naa-resto ng mga kinauukulan ang suspek na kinilalang si Emmanuel Padao Inut.

Base sa testimonya ng biktima sa pulisya, bandang alas-5:00 ng hapon noong nakaraang araw nang magtungo siya sa bahay ng suspek kasama ang isa pa niyang kaibigan na menor de edad rin at doon sila nag-inuman.

Makalipas ang ilang oras ay nalasing na umano sila at pauwi na rin sana pero ilang metro pa lamang ang layo nila mula sa bahay ng suspek ay biglang naalala ng biktima na naiwan pala niya ang kanyang cellphone battery na naka-charge sa loob ng kuwarto ng suspek kaya bumalik sila roon.

Dahil sa sobrang kalasingan, naisipan umanong magpahinga sa kuwarto ng suspek ang dalawang dalagita hanggang sa makatulog.

Nagising na lamang umano ang dalagita nang maramdaman niyang nasa gilid na niya ang suspek at wala na rin siyang nagawa para makatakas pa rito.

Ang kanyang kaibigan naman ay tulog na tulog habang ginagawa ng salarin ang panggagahasa sa kanya.

Pagkatapos ng krimen, pinauwi na lamang ng suspek ang dalawang lasing na dalagita.

Sa ngayon, isinailalim na sa inquest proceeding ang salarin sa kasong rape at ngayon ay nakakulong sa detention cell ng nasabing himpilan ng pusliya.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.