Dalagita, Pinulutan ng 2 Kainuman

TULALA AT halos hindi makausap nang magtungo sa himpilan ng pulisya ang isang 17-anyos na dalagita na umano’y pinagsamantalahan ng dalawa nitong kainuman sa Brgy. Daungan, Guiguinto, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Sa ulat na inipadala  ni P/Supt. Elvis Diaz kay PNP Provincial Director P/S Supt. Fernando H. Mendez, Jr., kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Jefferson Villanueva Y Galvez, 21, may-asawa, at Danriel Roque Y Villanueva, 20, may-asawa kapwa residente ng Brgy., Tiaong.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas-10:30 ng gabi nang maganap ang panghahalay sa biktima matapos ang masayang inuman sa bahay ng isa sa mga suspek.

Ayon sa dalagita, niyaya siyang uminom ng kanyang kaibigan kung saan agad niya itong pinaunlakan dahil tiwala naman siya sa dalawa, subalit nang makaramdam siya ng pagkahilo, tumanggi na itong tumagay. Aniya, dahil sa kanyang panghihina, bigla na lamang umano siyang sinibasib ng halik ng dalawang suspek na animo’y hayok sa laman.

Sinubukan pa niyang pumalag subalit sadyang malakas ang mga suspek kaya’t malaya nilang nai-sagawa ang makamundo nilang pagnanasa.

Samantala, detenido ngayon ang dalawa sa Guiguinto Municipal Jail sa kasong Rape in Relation to Republic Act 7610.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Dalagita, Pinulutan ng 2 Kainuman

Leave a Reply

Your email address will not be published.