Dalagita, pinilahan ng mga kainuman

MISTULANG PILA-BALDE ANG kinalabasan sa isang 17-anyos na dalagita matapos pilahan ng apat na kalalakihan na kanyang kainuman at walang awang salit-salitang ginahasa, iniulat kahapon sa Malabon City.

Halos iika-ikang nagtungo sa himpilan ng Malabon City police ang biktima na itinago sa pangalang “Chris” ng nasabing lungsod upang pormal na magsampa ng reklamo laban sa mga suspek.

Sa tulong ng mga kaanak ni Chris, hindi na nagawa pang makatakas ng mga suspek na nakilalang sina Mark Kevin Gabriel, 17, Jack Garcia, 24, Arnie Beltran, 18, at Jay-R Cordero 18, kapwa mga kalugar ng biktima na nga-yon ay nakapiit sa detention cell ng Malabon police.

Sa ulat ng Women’s and Children’s Protection Desk (WCPD) ng Malabon-PNP, dakong alas-4:30 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa C4 Road, Tañong ng nasabing lungsod.

Base sa salaysay ni Chris sa mga awtoridad, niyaya siya ng mga suspek na mag-inuman ng alak sa nasabing lugar at dahil sa mga kakilala ay pinaunlakan naman ng dalagita ang imbitasyon ng mga ito.

At nang malasing, bigla na lamang siyang hinila ng isa sa mga suspek na si Gabriel at dinala sa ilalim ng tulay at doon isinakatuparan ng mga hayok sa laman na suspek ang makamundong pagnanasa ng mga ito.

“Hindi ko na po kayang manlaban pa sa kanila at nanghihina ako habang tinatanggalan nila ako ng saplot, nagtiwala po ako sa kanila, mga walang-hiya sila,” mangiyak-ngiyak pang saad ni Chris.

Nang makaraos na ang mga suspek ay napagod ang mga ito kung kaya’t hindi na nila namalayan ang pag-alis ni Chris na agad na humingi ng tulong sa pulisya, na nagresulta ng agarang pagkakadakip sa mga manyak.

Ang mga suspek ay kasaluku-yang nahaharap sa kasong Rape in Relation R.A 7610 (Anti-Child Abuse Law) sa tanggapan ng Ma-labon-Navotas Prosecutors office.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.