Dalagita, Pinapak ng Manyak na Lolo

NAKAKULONG NA ang isang manyakis na lolo makaraan nitong pagsamantalahan ang isang 14-anyos na dalagita sa Cavite City.

Kinasihan ng rape at pang-aabuso sa bata ang salarin na si Bayani dela Cruz, 59 anyos, walang hanap-buhay ng Brgy. II, Dalahican ng lungsod.

Hinuli ang nasabing salarin matapos ireklamo ng biktimang itinago sa pangalang Jingjing na sinamahan ng kanyang mga magulang sa Children’s and Women’s Protection Desk ng Cavite City Police.

Ayon sa salaysay ni Jingjing, pauwi na siya sa kanilang bahay nang imbitahan ng suspek na ililibre ng pagkain sa isang restaurant pero sa Aloha motel umano siya dinala ng matanda.

Wala namang nagawa ang dalagita matapos na halayin ng manyak na lolo.

Samantala, nadiskubre ang panggagahasa ng matanda matapos na usisain ng kanyang ina ang umiiyak na biktima na binantaan pang papatayin ng suspek kapag nagsumbong.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.