Dalagita, Pinagsasaksak Dahil sa Selos

SELOS ANG nakikitang motibo sa ginawang pananaksak sa isang 14-anyos na dalagita sa Dagupan City.

Nakilala ang salarin na si Allysa Crespo, 19, residente ng Maligaya St. Bonuan Gueset, Dagupan City.

Base sa impormasyon, dinala ng suspek, at dalawa pa nitong kasama, ang biktima sa isang cottage sa Bonuan Tondaligan at doon pinagtulu-ngang saksakin.

Nagtamo ng apat na tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na agad isinugod sa ospital ng mga concerned citizen na nasa lugar.

Bago umano iwanan ng mga salarin ang biktima ay nagmalaki pa si Crespo na kaya nitong manaksak ng tao kung kanyang nanaisin.

Samantala, napag-alaman na nanliligaw sa biktima ang dating nobyo ng suspek.

Agad namang tumakas ang mga ito matapos ang insidente na sa kasalukuyan ay patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.