Dalagita, pinagparausan ng nanggigil na BF

DAHIL SA matinding lamig na nararamdaman bunsod ng ilang araw na pagbuhos ng malalakas na ulan, marahil hindi na napigilan ng 18-anyos na binata ang pagpaparaos sa kanyang dalagitang girlfriend at pagkatapos ay kunan ito ng litrato gamit ang cellphone habang nakahubad.

Sa ulat na natanggap ni Sr. Supt. Fernando Mendez, Jr., Bulacan police director, naganap ang insidente ng panggagahasa bandang ala-1 ng madaling-araw noong Lunes sa Brgy. Wakas, Bocaue, Bulacan.

Kinilala ang biktima na si Vergie (‘di tunay na pangalan), 4th year high school student, at residente ng Brgy. Wakas; samantalang ang suspek ay si Chris Roven Eustaquio, taga-Brgy. Antipona sa bayang ito.

Ayon kay Supt. Diosdado Iniego, Bocaue police chief, pinasok umano ng suspek ang biktima sa loob ng kuwarto nito at doon ay pinagsamantalahan. Hindi pa nakuntento ang binata at kinunan pa ng larawan habang nakahubad ang biktima.

Agad naming nadakip ang suspek at narekober sa kanya ang gamit nitong cellphone na may hubad na litrato ng biktima.

Kinasuhan ang suspek ng Rape in relation to RA 7610 sa Office of the Provincial Prosecutor sa Malolos City.

(TONY DELA PEÑA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.