Dalagita, Pinagparausan ng BF at 3 Tropa

HALOS HINDI makapagsalita at tulala ang isang 16-anyos na dalagita, makaraang lasingin, at pagparausan ng kanyang boyfriend at ng tatlo pa nitong kaibigan sa Brgy. Calvario, Meycauayan City kahapon ng gabi.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Hector Samar kay PNP Provincial Director P/S Supt. Fernando H. Mendez, Jr., kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Jomari Inigo, 19; at Federico Raso Y De Dios, 19; habang pinaghahanap pa rin ang dalawa pang kasama nito na sina Roger de Guzman @ Bulig; at Joshua Puleran, samantalang ang biktima naman ay nakilalang si Rica, hindi tunay na pangalan, estudyante at residente ng Novaliches, Quezon City.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas-8 ng gabi nang maganap ang panghahalay sa biktima sa loob ng isang kubo sa nabanggit na lugar.

Ayon sa salaysay ng biktima, sumama siyang makipag-inuman kasama ang kanyang bf, dahil tiwala siya rito, subalit nang lumipas ang ilang minuto, nakaramdam na umano siya ng matinding pagkahilo.

Aniya, nagulat na lamang siya nang bigla na lamang itong hubaran ng kanyang bf at ginahasa sa harap ng kanyang mga kaibigan. Dahil sa sobrang lasing,

hindi na nito magawang manlaban sa kasintahan, subalit makalipas ang ilang minuto, magkakasunod din siyang ginahasa ng tatlo pa nilang kainuman.

Samantala, kasong Rape in relation to RA 7610 ang isasampa laban sa mga nadakip na suspek.

(TONY  DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.