Dalagita, Patay sa Kuryente

PATULOY ANG pagsisiyasat ng mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) sa pagkamatay ng isang Grade 6 pupil sa Digos City, Davao del Sur.

Iniimbestigahan ng mga kinauukulan ang pamil-ya Cabungkal matapos aksidenteng makuryente at namatay ang kanilang kapit-bahay na 12-anyos na dalagita.

Nakilala ang biktima na isang Nicole Keth Legazpi, Grade 6 pupil ng SDA Elementary School sa lungsod ng Digos at nakatakda na sanang mag-graduate ngayong Marso 24 bilang nasa ika-Top 4.

Napag-alaman na ga-ling sa pag-i-Internet ang biktima sa bahay ng kanyang kabarkada.

Sinasabing sa paglundag ng biktima sa bahagi ng bubungan ay aksidenteng sumablay at nasagi ang linya ng kuryente na inilagay ng pamilyang Cabungkal laban sana sa mga magnanakaw.

Sa pagkakataong ito, ang bisitang si Legazpi ang aksidenteng nakuryente.

Samantala, dumulog na ang pamilya Legazpi sa himpilan ng Digos City PNP.

Sa ngayon, nakakulong na si Mr. Cabungkal habang iniimbestigahan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.