Dalagita, niluray sa damuhan

POSIBLENG HABAMBUHAY NA pagkakulong ang abutin ng isang tsuper nang ireklamo ng panggagahasa ng isang 15-anyos na dalagita sa bayan ng Buenvista, Quezon.

Kinilala ang inaresto na si Jovito Cullamet Fernan, 38 anyos, may ka-live in partner at nakatira sa nasabing lugar.

Sa salaysay ng biktima na isang 3rd year high school student, pauwi na siya galing sa bahay ng kaibigan dakong alas-5:30 ng hapon noong July 31 nang lapitan siya ng suspek at bigla siyang sinikmuraan.

Dahil hinang-hina ay nawalan ito ng malay kaya hindi na nalaman pang dinala siya sa isang damuhan kung saan inilugso ang kanyang puri.

Ayon kay PO1 Geraldine Dapusin, may hawak ng kaso, alas-6 na gabi nang magising ang biktima sa damuhan.

Sa salaysay ng biktima, sumasakit ang buo niyang katawan partikular ang kanyang kaselanan na sintomas na ginahasa ito.

Agad namang isinuplong ng mga magulang ng biktima ang suspek na madali ring naaresto.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Dalagita, niluray sa damuhan

Leave a Reply

Your email address will not be published.