Dalagita, niluray ng kapitbahay

MAAGANG NASIRA ANG dangal ng isang 16-anyos na dalagita makaraang paulit-ulit na ginahasa umano ito ng isa niyang kapitbahay sa loob ng bahay ng suspek sa Navotas City kamakalawa ng gabi.

Ang biktima na itinago sa pangalang “Jessica”, 16, 3rd year high school at residente ng R. Domingo St., Tangos ng nabanggit na lungsod.

Samantala, ang suspek na nasa likod ngayon ng rehas na bakal ng piitan ay nakilalang si Jader “Erick” Ching, 25, may-asawa at kapitbahay ng biktima.

Base sa ulat ng Children’s and Women’s Concerned Desk ng Navotas PNP, dakong alas-11 ng gabi nang maganap ang panghahalay sa loob ng bahay ng suspek sa nasabing lugar.

Nabatid na niyaya umano ng suspek ang biktima sa bahay nito at matapos na makapasok ang dalawa sa bahay ng suspek ay kaagad na sinakal ni Ching ang biktima dahilan upang mawalan ito ng malay.

Ayon sa biktima, nang pagbalikan siya ng isip ay namalayan niyang nakapatong sa kanya ang suspek at nananakit ang kanyang ari.

Matapos na mairaos ng suspek ang makamundo nitong pagnanasa ay basta na lamang pinaalis ang suspek sa kanyang bahay ang biktima.

Kaagad na isinumbong ng biktima sa kanyang mga magulang ang ginawa sa kanyang kahayupan na nagresulta naman ng pagkakaaresto sa suspek.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.