Dalagita, niluray ng Intsik

SHOOT SA KULUNGAN ang isang Chinese national makaraang walang awang gahasain ang 16-anyos na dalagita kamakalawa ng gabi sa Navotas City.

Nahaharap ngayon sa kasong Rape sa tanggapan ng Malabon-Navotas Prosecutor’s office ang suspek na nakapiit sa detention cell ng Navotas police na si Jade Erick Ching y Ang, 20-anyos, ng Domingo Street, Bgy., San Jose ng nasabing lungsod.

Sa reklamo ng biktimang si Joan (di-tunay na pangalan), 16, ng nasabing lugar, sa Women’s and Children’s Protection Desk-Navotas police, dakong alas-11:00 ng gabi, niyaya siya ng suspek sa loob ng bahay nito dahil may ipapakita lamang.

Dahil sa kapitbahay, pinaunlakan nito ang imbitasyon ng suspek, subalit pagpasok sa loob ng bahay ay agad itong hinila at pinaghahalikan sa maseselang parte ng katawan.

Sa lakas ng suspek at pananakot nitong papatayin siya, hindi na nitong nagawa pang manlaban, hanggang sa isa-isang tinanggal ang mga saplot nito sa katawan at makaraos ang suspek sa makamundo nitong pagnanasa.

Pag-uwi ng kanilang bahay, agad na nagsumbong si Joan (biktima) sa kanyang magulang na ginahasa ito ng suspek, dahilan upang samahan ito sa nasabing himpilan ng pulisya upang pormal na magsampa ng reklamo laban kay Ching.

Hindi naman nagawa pang makatakas ng suspek matapos itong puntahan sa kanilang bahay at inaresto ng mga rumespondeng pulis. (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.