Dalagita, Nilasing Muna Saka Ginahasa ng 2 Ka-Frat

MALOLOS CITY – NAGNGINGITNGIT sa galit ang mga kapamilya ng isang 15-anyos na dalagita nang madakip ang isa sa dalawang suspek na gumahasa sa biktima sa loob ng isang bahay sa Brgy. Santiago sa lungsod na ito.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Dave Poklay kay PNP Provincial Director P/S Supt. Fernando H. Mendez, Jr., kinilala ang nadakip na suspek na itinago sa pangalang ‘Bobby’, 16 anyos, ng Brgy. Sto Rosario sa bayan ng Paombong habang pinaghahanap ang kasamahan nito na kilala lamang sa @ Ninong, samantalang ang biktima naman ay itinago sa pa-

ngalang ‘Cherry’, 15 anyos ng Brgy. San Pedro sa bayan ng Hagonoy.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas-8:45 ng gabi nang madakip ang suspek makaraang ituro ito ng ilang mga concerned citizen.

Nabatid na masayang nag-iinuman ang grupo ng Magic 5 Fraternity kabilang dito ang biktima at ang mga suspek, kung saan sinamantala ng mga ito ang matinding pagkahilo dahil sa alak.

Ayon sa biktima, nagising na lamang siya na wala nang saplot sa buong katawan at nakaramdam din umano siya ng mahapdi at pananakit ng kanyang ari, na naganap nito lamang Oktubre 20 dakong alas-12:00 ng hating-gabi.

(Tony dela Peña)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.