Dalagita, nilasing muna bago ginahasa ng kaibigan

SAN MIGUEL, BULACAN – Tulala at halos hindi makalakad nang maayos ang isang 3rd year high school student, matapos umanong gahasain ng nag-imbitang kaibigan sa Brgy. Calumpang kamalawa ng hapon sa nabanggit na bayan.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt.Mark Rivero kay Acting PNP Provincial Director P/SSupt. Fernando H. Mendez, Jr., kinilala ang nadakip na suspek na si Marlon Flores Y Pilapil, 18 anyos, binata; samantalang ang biktima naman ay itinago sa pa-ngalang Rhona, 14 anyos, residente ng Brgy. Buliran sa nabanggit na bayan.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas-2 ng hapon nang maganap ang panghahalay sa kuwarto ng suspek sa kanilang tahanan.

Nabatid na bago ang pangyayari, tinawagan at niyaya umano ng suspek ang biktima, na pumunta sa kanilang bahay. Dahil sa kaibigan, tiwala ito sa paanyaya kung saan pinaunlakan nito ang binata.

Sa salaysay ng dalaga, pilit umano siyang pinainom ng alak, na kanyang pinaunlakan bilang tugon sa kaibigan, subalit agad siyang nakaramdam ng matinding pagkahilo, kung saan agad siyang niyaya sa silid ng binata. Makalipas ang ilang minuto, nagising na lamang siya na walang saplot sa katawan at masakit at mahapdi ang maselang bahagi ng katawan.

Aniya, kahit hirap siyang maglakad, dali-dali itong umuwi ng bahay at agad na nagsumbong dahilan upang agad na  madakip ang suspek.

Samantala detenido ngayon ang suspek sa San Miguel Municipal Jail sa kasong Rape in relation to Republic Act 7610.       (Tony dela Peña)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.