Dalagita, Nilasing Bago Ginahasa

NILASING MUNA bago umano ginahasa ang isang 16-anyos na dalagita ng kanyang dalawang kaibigan kamakalawa ng umaga sa Caloocan City.

Base sa ulat ng Women’s and Children’s Protection Desk ng Caloocan Police Sub-Station 2, ang biktima ay itinago sa pangalang Jovy, 16, at naninirahan sa Maypajo ng nabanggit na lungsod.

Kasalukuyan namang naghihimas ng rehas na bakal ang mga suspek na nakilalang sina Mark Anthony Zamora, 20, at Joey Boy Isidro, 26 na pawang residente ng 45 Dalisay St., Brgy. Maypajo, Caloocan City.

Sa isinagawang im-bestigasyon ng WCPD – Sub-Station 2, dakong alas-3 ng madaling-araw nang maganap ang panghahalay sa bahay ng pinsan ng suspek na si Mark Anthony Zamora.

Base sa pahayag ng biktima, nakita siya ng dalawang suspek at niyaya siya sa Eliza St., para mag-inuman na kaagad namang nakumbinsi ng dalawang suspek ang dalaginding.

Nang nasa loob na sila umano ng bahay ay kumuha ng alak si Zamora at nagsimula na silang magtagayan.

Nang umepekto na ang espiritu ng alak sa biktima, nakaramdam na ito ng pagkahilo na naging daan upang mawala sa kaisipan ang biktima.

Kaagad namang pinagtulungan ng dalawa ang biktima na dalhin ito sa isang silid at doon na pinagpasasaan ng mga suspek ang murang katawan ng dalagita.

Matapos ang panghahalay ay pinauwi ng mga suspek ang biktima na kaagad na nagsumbong sa kanyang mga magulang.

Ang dalawang suspek ay sinampahan ng kasong Rape in relation to RA 7610 sa Caloocan City Prosecutor’s Office na walang inirekomendang para sa pansamantalang kalayaan ng mga ito.

(ROMAN MAPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.