Dalagita, natilamsikan Kelot, arestado sa sariling-sikap

MALAMIG AT MATIGAS na rehas ngayon ang hinihimas ng isang 21-anyos na binata makaraang ireklamo ng isang 16-anyos na dalagita na natilamsikan ng kanyang semilya habang nagpapaligaya sa sarili sa bayan ng Balaoan, La Union.

Ang lalaking ikinulong na itinago sa pangalang Dodong Sibayan ay nahaharap sa kasong act of lasciviousness, child abuse at illegal possession of fire arms.

Sa reklamo ng dalagita na itinago sa pangalang Mary, pinasok siya ni Dodong sa kanilang kuwarto at  nagising siya nang matilamsikan ang kanyang tainga ng semilya na nagmula sa suspek.

Nagulat at natakot umano ang dalagita nang makita ang binata at ang ginagawa nitong kalaswaan.

Dahil dito, sumigaw at agad humingi nang saklolo ang biktima sa kanyang mga kasambahay.

Kumaripas umano nang takbo ang suspek ngunit nahuli rin ito ng mga kapitbahay at nakumpiska rin ang dala nitong kalibre .22 na baril.

Samantala, naihain na sa La Union Provincial Prosecutor’s Office ang mga kaso laban sa binata.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.