Dalagita, Nalaglag sa Hagdan, Todas

PATAY ANG isang dalagitang nadulas at gumulong sa hagdanan matapos dumaing na masakit ang ulo makalipas ang ilang oras kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.

Dead on arrival sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center si Nice Serelo, 15 ng Daang Bakal, 10th Avenue ng lungsod.

Lumalabas na nadulas at gumulong sa hagdan ang biktima sa loob ng kanilang bahay kamakalawa ng umaga.

Alas-4:15 ng hapon, dumaing ang biktima na masakit ang ulo na naging dahilan upang dalhin sa PDMMMC subalit hindi na umabot ng buhay.

Inaalam na ng mga pulis kung ano ang ikinamatay ng biktima na hinihinalang bumaldog ang ulo sa pagbagsak.

 (MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.