Dalagita, nakuryente sa swimming pool, patay

GENERAL SANTOS CITY – Isang 15-anyos na dalagita ang namatay matapos makuryente sa swimming pool sa Doña Soledad, Bgy. Labangal.

Kinilala ang biktima na si Liesel Langomez, residente ng Kalabanit, Glan, Saranggani.

Sa salaysay ng tiyuhin ng biktima na si Lito, pagkatapos nilang maligo ay bumalik ang pamangkin sa swimming pool para hugasan ang kanyang paa subalit doon na ito nakuryente.

Hindi umano inabisuhan ng management ang mga naliligo sa swimming pool na magsasagawa sila ng paglilinis.

Dinala pa sa ospital ang biktima subalit idineklarang patay na ng doctor.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.