Dalagita, nagbaril Sakit sa pag-ihi,inakalang aids

PINANINIWALAANG BUNSOD ng matinding depresyon, kahihiyan at sakit na nararanasang sa pag-ihi dahil sa sakit na urinary tract infection (UTI) na inakalang mas grabeng sakit sa ari, isang 16-anyos na dalagita ang nagbaril sa lalawigan ng Pangasinan.

Itinago sa pangalang Camille ang biktima na nakatira sa Barangay Munisipyo, Malasiqui.

Sa imbestigasyon, pasado alas-11 ng tanghali noong Miyerkules nang magpakamatay ang biktima sa ikalawang palapag ng kanilang tahanan.

Lumalabas sa pagsusuri na itinutok ni Camile sa kanyang ulo ang homemade cal .22 na baril saka ito kinalabit na sanhi ng kanyang agad na kamatayan.

Inihayag naman ng tiyahin ng biktima na si Soledad Gonzales na bagama’t may narinig itong isang putok mula sa ikalawang palapag ng kanilang bahay ay itinuloy lamang nito ang pagtutupi ng mga damit.

Aniya, nagulat na lamang siya nang may tumulong dugo sa kisame kaya agad na inakyat ang silid ng kanyang pamangkin.

Dito na tumambad ang duguang pamangkin na naka-handusay sa sahig habang nasa kanang kamay ang kalibre 22 na ginamit nito sa pagpapatiwakal.

Samantala, isa sa kaibigan ng biktima ang naringgan na labis na nahihirapan ang biktima sa pag-ihi at nangangambang may mas malala pa itong sakit sa ari.

Patuloy naman ang im-bestigasyon ng PNP ukol sa nasabing insidente at inaalam kung may foul play sa pagkakasawi ng biktima at kung paano nagkaroon ito ng baril.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.