Dalagita, Na-Trauma Matapos Hiwalayan ng BF

TULALA AT HALOS hindi makausap ang isang dalagita nang magsadya ito sa himpilan ng pulisya kasama ang kanyang lola, upang ipagharap ng reklamo ang kanyang kasintahan na nangako ng kasal matapos gahasain at basta na lamang hiwalayan.

Sa ulat na tinanggap ni PNP Provincial Director P/S Supt. Fernendo H. Mendez, Jr., kinilala ang biktimang itinago sa pangalang Rica, 15 anyos, estudyante tubong-Olongapo City, residente ng Brgy. Pajo, Meycauayan City, Bulacan; samantalang ang suspek naman ay nakilalang si Alvin ChaoY Javier, 19, umano’y boyfriend ng biktima, at residente ng Brgy. Camalig sa lungsod na ito.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga awtoridad, unang naganap ang panghahalay sa biktima, nito lang Oktubre 29 sa bahay ng suspek, dahil pinangakuan siya nito na pakakasalan.

Ayon sa salaysay ng dalagita, muli siyang ginahasa sa tahanan ng suspek noong Nobyembre 3, kung saan bigla na lamang siyang pinaghahalikan sa maseselang bahagi ng kanyang katawan at pilit siyang hinubaran, kung saan tinangka pa niyang sumigaw at humingi ng tulong subalit tinakpan ng kamay nito ang kanyang bibig, dahil madidinig daw ito ng kanyang lolo.

Matapos ito’y noong Nobyembre 22 ng hapon nang bigla na lang makipaghiwalay ang kanyang BF, sa hindi malamang  kadahilanan. Dahil sa tindi ng trauma, hindi na nito makayanan ang kanyang problema kaya nagsumbong na ito sa kanyang Lola Iska, kung saan agad namang nadakip ang suspek sa kasong Rape o paglabag sa RA 7610.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.