Dalagita, Na-Rescue Sa Human Trafficking

NAILIGTAS NG Malay PNP at Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ang isang dalagitang biktima umano ng human trafficking sa Aklan.

Sinabi ni Police Insp. Mark Cordero, hepe ng Malay PNP na nailigtas ang 16-anyos na biktima sa Caticlan jetty port sa Brgy. Caticlan, Malay, Aklan na nakatakda sanang dalhin sa Mindoro mula sa Bacolod City upang pagtrabahuhin sa isang bar.

Base sa sumbong na nakarating sa mga kinauukulan mula kay Barangay Kagawad Shell Tolosa, na-intercept ang salarin na si alyas “April,” 24-ayos, residente ng Banago, Bacolod City at pansamantalang naninirahan sa Roxas City kasama ang biktima habang pasakay ng RoRo vessel papuntang Mindoro.  Naalarma umano si Kagawad Tolosa matapos na makitang nag-iiyak ang dalagita kaya’t nagsumbong ito sa awtoridad.

Sinasabing nagpatulong umano ang biktima sa suspek upang mahanap ang kanyang kapatid na nagtatrabaho sa Boracay, ngunit huli na nang malaman ng dalagita na dadalhin siya sa Mindoro.                                                                                                                    Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9208 o Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 ang naturang suspek.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.