Dalagita, Na-Gang Rape

SINISIYASAT PA rin ng mga awtoridad ang nangyaring gang rape sa bayan ng Libmanan, Camarines Sur.

Sinabi ni S/Supt. Ramiro Bausa, provincial director ng PNP sa lalawigan na patuloy pa umanong tinitipon ng kanyang mga tauhan ang mga impormasyon, ebidensya at testimonya upang matukoy kung sino ang mga salarin na gumahasa sa  isang 14-anyos na dalagita.

Base sa inisyal na pahayag ng biktimang itinago na lamang sa pangalang Nene, pinagpasa-pasahan umano siya ng hindi bababa sa tatlong mga salarin.

Nabatid na mismong ang mga magulang ng biktima ang nagpunta sa pulisya upang ipaalam ang kalunos-lunos na pangyayaring sinapit ng kanilang anak.

Tumanggi naman ang Women’s and Children Division na idetalye pa ang ibang impormasyon sa pangyayari habang nagpapatuloy pa ang  pagsisiyasat.

Samantala, nakatakda namang isailalim sa counselling ang dalagita nakakaranas na ng labis-labis na trauma.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.