Dalagita, Minolestiya ng Titser

CEBU CITY – INIREKLAMO ng sexual harassment ng isang high school student ang kanyang titser, matapos umano siyang molestiyahin sa loob ng paaralan ng Tuburan National High School sa Tuburan, Cebu.
Sinasabing lasing umano ang guro nang mangyari ang pangmomolestiya sa 4th year student na dalagita sa nabanggit na paaralan.
Pauwi na umano ang biktima nang tawagin ito ng suspek. Nang nasa loob na ng silid-aralan ay bigla na lamang lumapit sa kanya ang guro at yumakap.
Sa gulat ng biktima, nagpumiglas ito para makawala kasabay ng pagmamakaawa. Ngunit mas hinigpitan pa ng guro ang kanyang pagyakap at bigla nitong hinalikan ang biktima. Dahil sa pagpupumiglas, nakawala sa pagkakayakap ang biktima at dali itong tumakbo palayo.
Kinaumagahan, nagsumbong ito sa kanyang mga magulang at sa mga kinauukulan dahil sa takot na pumasok sa paaralan.
Ayon sa Women’s Desk ng Tuburan Police Station, patuloy pa umano ang kanilang pagsisiyasat sa nasabing insidente at pansamantala munang  hindi isinapubliko ang pangalan ng mga nauugnay sa naturang pangyayari.
(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.