Dalagita, kinalasan ng bf, naglason

HINDI UMANO MATANGGAP ng isang 16-anyos na dalagita ang ginawang pakikipaghiwalay ng kanyang boypren kung kaya’t nagawa nitong wakasan ang sariling buhay sa pamamagitan ng pag-inom ng silver cleaning solution kamakalawa ng gabi sa Navotas.

Bumubula pa ang bibig at wala ng buhay ng matagpuan ang bangkay ng biktima na si Jhicnes dela Cruz y Bulaong, 16, ng 137 Marikit Street, Barangay Tanza, Navotas City.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas 6:30 ng gabi nang matagpuan ang bangkay ng biktima ng kanyang ina sa loob ng silid nito sa naturang lugar.

Sa salaysay ni Aling Victoria, 39, ina ng biktima, pumasok ito sa silid ng anak para tawagin upang kumain na ng hapunan subalit laking gulat nito ng makitang nakahiga sa sahig at bumubula ang bibig ng anak (biktima) at nasa tabi nito ang bote ng silver cleaning solution na panlinis ng mga alahat at iba pang kagamitang metal.

Dito, agad na humingi ng tulong si Aling Victoria sa kanyang mga kapitbahay upang dalhin sa pagamutan ang anak subalit pagdating sa Tondo Medical Center ay wala na itong buhay.

Nabatid, bago ang pangyayari ilang araw umanong malungkot ang biktima dahil sa hindi pagkakaunawaan ng kanyang boypren (hindi nakuha ang pangalan) na nauwi sa hiwalayan.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.