Dalagita, Ilang Araw Ginawang Sex Slave

NAHAHARAP SA kasong Abduction at Rape ang isang 42-anyos na binata matapos makatakas ang binihag nitong 17-anyos na dalagita sa Misamis Oriental na ilang araw niyang ginahasa sa loob ng kanyang bahay sa Butuan City.

Napag-alaman na dinukot ng salarin na si Rolando Lumindas nitong nakalipas na Hunyo 16 ang biktima na itinago lang sa pangalang “Venus”,  taga-Brgy. Duka, sa bayan ng Medina, Misamis Oriental, at dinala ito sa kanyang tahanan sa Purok 4, Brgy. Banza sa lungsod.

Nabulabog lang ang ginawang kababuyan ng binata nang makatakas ang biktima na dumulog kaagad kay Brgy. Kagawad Romulo Codis na siya na ring nagsumbong sa mga tauhan ng Butuan City Police Station 1 na naging daan sa pagkakahuli sa suspek.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.