Dalagita, Hinoldap Muna, Bago Ginahasa

KULONG ANG isang 28-anyos na tricycle driver matapos itong positibong kilalalanin ng kanyang 14-anyos na biktima na matapos holdapin ay ginahasa pa sa Brgy. Sulivan, Baliuag, Bulacan.

Sa ulat ni P/ Supt. Julius Ceasar Domingo, kinilala ang suspek na si Reyniel Pacual, alias Eneng, may asawa, tricycle driver, residente ng ng 194 Brgy. Pagala, habang ang biktima ay itinago sa pangalang Rhea, ng Bungga Mayor, Bustos, Bulacan.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Charito De Leon, WCPD Section ng Baliwag police, bandang alas-10:30 ng gabi nang dumating sa Baliuag Police ang biktima kasama ang kanyang ina na si Lourdes Japson, 40-anyos, upang ipagbigay-alam ang ginawang panggagahasa sa biktima.

Ayon sa dalagita, bandang alas-6:30 ng gabi, paglabas umano nito sa Mall sumakay ito sa isang tricycle sa Transport Terminal ng SM Baliwag, sa Brgy. Pagala, upang magpahatid sa Bgy. Poblacion sa nasabi ding Bayan.

Laking gulat ng biktima na maling daan ang tinatahak nila papunta sa direksiyon ng Brgy. Sullivan. Nabatid na pagda-ting sa nasabing lugar, pinababa siya at tinutukan ng isang patalim at dinala sa isang kubo sa gitna ng palayan, doon na siya hinubaran ng suspek at walang awang ginahasa. Matapos maisakatuparan ng suspek ang panggagahasa sa biktima, kinulimbat pa nito ang 2 cellphone kasama ang dalang P600 na pera.

Sa kasalukuyan, nakakulong ang suspek sa Baliuag Municipal Jail at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 8353 in relation to RA 7610 with Robbery.

Napag-alaman din na nasangkot na ang suspek sa kasong Attempted Rape noong May 15, 2012, na lumaya nang maglagak ito ng piyansa sa Regional Trial Court.

 (TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.