Dalagita, Hinalay ng Stepfather

SWAK SA kulungan ang stepfather matapos maaktuhan ng kinakasama na ang anak na dalagita ay hinahalay ng una sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Nakilala ang suspek na si Lolito Ocampo, 31, ng Acacia St., Amparo ng lungsod.

Sa ulat, alas-3:30 ng umaga, natutulog ang biktimang edad 14 sa loob ng kanyang kuwarto nang pasukin at patungan ng suspek.

Nagising ang dalagita na pumalag subalit tinakot na papatayin ng suspek na naging dahilan upang walang nagawa ang biktima hanggang sa mahalay.

Nasaksihan naman ng ina ng biktima ang ginagawa ng kinakasama na naging dahilan upang humingi ng tulong sa mga tanod at ipinadakip ang suspek. (MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.