Dalagita, Hinalay ng Sariling Pinsan

ARESTADO SA isinagawang follow-up operation ng intelligence operatives ng mga awtoridad ang 19-anyos na binata na suspek sa panggagahasa sa 14-anyos niyang pinsan sa Barangay Pasonancasa sa Zamboanga City.

Base sa ulat ng pulisya, nangyari ang insidente pasado alas-10 ng umaga kamakailan nang matiyempuhan umano ng salarin habang nag-iisa ang biktima sa loob ng kanilang tahanan.

Ayon sa dalagita, puwersahan siyang ipinasok ng kanyang pinsan sa kanyang kuwarto at doon ginawa ang kahalayan sa kanya.

Dahil sa matinding takot, hindi kaagad nagawang magsumbong ng biktima sa kanyang mga magulang subalit sa kalaunan ay nabunyag din ang pangyayari at kaagad namang ipinagbigay-alam sa pulisya.

Agad namang nadakip ang suspek sa kanyang tinataguang bahay sa may Brgy. San Roque ng lungsod.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.