Dalagita, Hinalay ng Pinsan

 

SHOOT SA kulungan ang isang binata matapos halayin ang pinsan na dalagita sa loob ng kuwarto ng una kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Nakapiit sa detention cell ng Malabon Police at nahaharap sa kasong Rape in relation to Child Abuse ang suspek na si Paulo Luis Pineda, 20, ng Potrero ng lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-8 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng suspek sa Potrero, Malabon.

Ayon sa salaysay ng biktimang si Mina, (di-tunay na pangalan), 17, bigla na lamang siya hinatak ng suspek papasok sa loob ng kanyang silid saka isinakatuparan ang makamundong pagnanasa.

Nagawa namang magsumbong ng biktima sa kanyang lola na naging dahilan ng agaran pagkakadakip sa suspek.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.