Dalagita, Hinalay ng Binatang Kapit-Bahay

SHOOT SA kulungan ang isang binata matapos halayin ang kapit-bahay na dalagita sa loob ng bahay ng huli sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Nakilala ang suspek na si Jonel Bersabar, 18, ng Phase 9, Bagong Silang ng lungsod.

Sa ulat, ala-1 ng hapon, sabay na nanonood ng television ang biktima at suspek sa bahay ng dalagita nang biglang hatakin ng huli ang una sa kuwarto.

Walang nagawa ang dalagita sa lakas ng suspek hanggang sa mahalay ang una.

Nagsumbong sa mga barangay tanod ang dalagita at nang respondehan ay nakita ang suspek na nagtatago sa ilalim ng kama na naging dahilan upang agad na dakpin.    (MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.