Dalagita, Hinalay Bago Pinatay

HINALAY MUNA bago pinatay sa sakal ang isang dalagita ng hindi pa kilalang suspek sa Caloocan City kamakalawa ng umaga.

Nakilala ang biktima na si Clarisse Boyles, 16, ng Mountain Heights Subd., ng lungsod.

Sa ulat na inilabas kahapon, dakong alas-5, Lunes ng umaga nang makita ni Rolando Ariesga ang bangkay ng biktima sa bakanteng lote malapit sa bahay ng dalagita.

Itinawag sa mga pulis ang nakita kung saan lumalabas na walang saplot pang-ibaba ang biktima at may palatandaan na hinalay bago pinatay sa sakal.

Huling nakitang buhay ang biktima dakong alas-5 ng hapon noong Linggo, Hunyo 10 sa loob ng kanilang bahay.  (MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.