Dalagita, Ginawang Sex Slave ng Tricycle Driver

SWAK SA kulungan ang tricycle driver matapos ikulong at halayin sa loob ng kanilang bahay ang dalagita sa Caloocan City.

Nahaharap sa mga kasong Kidnapping with Serious Illegal Detention at Rape in Relation to Child Abuse si Leonardo De Guzman, 28, ng Llano Rd., Llano ng lungsod.

Sa ulat, alas-3 ng hapon noong Mayo 24, 2012, makikipagkita sana ang biktimang edad 16 ng Canumay West kay Ronald Vebas sa Puregold sa Malinta kapwa ng Valenzuela City.

Hindi sumipot si Vebas na naging dahilan upang puntuhan ng dalagita sa pinapasukan ang una sa Tinbox Factory na kalapit sa bahay ng suspek.

Makalipas ang ilang oras na paghihintay ay wala pa rin si Vebas hanggang sa lapitan ng suspek ang dalagita bago puwersahang dinala sa kanilang bahay at mahalay.

Ikinulong ng suspek ang dalagita at ilang ulit na nahalay subalit noong Mayo 28, 2012 ay nalasing si De Guzman na sinamantala ng biktima at nakatakas.

Agad na nagsumbong ang biktima sa mga pulis na naging dahilan upang madakip ang suspek alas-3 ng hapon noong Mayo 29, 2012.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.