Dalagita, ginawang sex slave ng amain

SWAK SA KULUNGAN ang isang 55-anyos na amain makaraang apat na beses nitong gahasain ang 17-anyos na dalagitang anak ng kanyang kinakasama, inulat kamakalawa ng hapon sa Navotas City.

Nakapiit ngayon sa detention cell ng Navotas Police at nahaharap sa kasong Rape in Relation to R.A 7610 ang suspek na si Pedro Plarisal, ng No. 462 Taganahan St. , Brgy. Bagumbayan, Navotas City.

Sa reklamo ni Josephine (di-tunay na pa-ngalan), buwan na ang nakalipas nang unang gahasain siya ng kanyang stepfather (suspek) hanggang sa naulit pa ito nang tatlong beses sa magkakaibang araw at oras.

Nitong nakaraang Linggo, naglakas-loob na nagsumbong sa kanyang Ate ang biktima dahilan upang samahan ito sa tanggapan ng pulisya.

Sa ulat ng Women’s and Children’s Protection Desk (WCPD) – Navotas Police, dakong alas-5 ng hapon nang madakip ang suspek sa loob ng bahay nito sa naturang lugar.

Ayon pa kay Josephine, sa tuwing nalalasing ang suspek ay saka ginagawa ang kababuyan sa kanya at kaya hindi agad nakapagsumbong sa ina ay dahil sa takot na totohanin ang banta ni Plarisal na siya ay papatayin.

Sa himpilan ng pulisya, pilit namang itinatanggi ng suspek ang ginawang panggagahasa sa biktima sa dahilang siya na ang nagpalaki rito, subalit hindi ito pinanigan ng piskalya at sinampahan ng nabanggit na kaso.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.