Dalagita, ginahasa ng manyakis na kapit-bahay

UMIIYAK NA dumulog sa barangay hall ang isang  17-anyos na dalaga upang ipaaresto ang manyakis nilang kapit-bahay na umano’y gumahasa sa kanya kamakalawa ng mada-ling-araw sa Brgy. Lambakin, Marilao,Bulacan.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Gerry Andaya kay PNP Provincial Director P/S Supt. Fernando H. Mendez, Jr., kinilala ang nadakip na suspek na si Paul Bencis Y Montemayor, 30 anyos, ng Blk. 20, Lot 29, Northville 4B; samantalang ang biktima naman ay itinago sa pangalang Joyce, estudyante, kapwa residente sa nabanggit na lugar.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas-2 ng madaling-araw nang maganap ang panghahalay sa dalaga.

Nabatid sa biktima na natutulog na siya nang madinig nito ang tawag ng suspek mula sa gate ng kanilang bahay kung saan tinawag ang pangalan nito. Dahil sa tiwala bilang kapit-bahay, subalit makalipas ang saglit, bigla na lamang siyang dinamba ng umano’y la-

sing sa alak na suspek.

Samantala, kasong Rape in relation to Republic Act 7610 ang isinampa sa Bulacan Prosecutor’s Office.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.