Dalagita, Ginahasa ng Manyakis na Amain

STA. MARIA, BULACAN – Umiiyak na dumulog sa himpilan ng pulisya ang isang kinse anyos na dalagita upang ipagharap ng reklamo ang umano’y manyakis nitong stepdad na gumahasa sa kanya sa loob ng kanilang tahanan sa Brgy. San Jose, Patag sa bayang ito.

Sa ulat na tinanggap ni PNP Provincial Director Fernanado H. Mendez, Jr.,  kinilala ang nadakip na suspek na si Charlie Cadaingan Y Cabingue, 47 anyos, residente sa nabanggit na barangay, samantalang ang biktima naman ay itinago sa pangalang Samantha estudyante.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Sta. Maria Police, dakong alas-8 ng gabi nang madakip ang suspek sa nabangit na lugar.

Ayon sa salaysay ng dalagita, sinimulan umano siyang halayin ng kanyang ama-amahan noong nasa edad-13 pa lamang siya, kung saan matagal din niyang inilihim sa kanyang ina sa takot na totohanin nito ang banta umano sa kanila na papatayin siya nito kung magsusumbong sa sinuman.

Nabatid na nito lang nakalipas na gabi, muli syang pinagtangkaang halayin ng kanyang stepdad na umano’y lasing sa alak kaya nagawa niyang makatakas at makapagsumbong sa mga nagro-rondang barangay-tanod, dahilan upang agad na madakip ang suspek.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.