Dalagita, Dinonselya ng Construction Worker

LUHAANG DUMULOG sa himpilan ng pulisya ang 15-anyos na dalagita, kasama ang kanyang ina, upang ipagharap ng reklamo ang isang construction worker na umano’y gumahasa sa kanya.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Mark Rivero kay PNP Provincial Director Fernando Mendez, Jr., kinilala ang nadakip na suspek na si Emmanual Domondon Y Dela Cruz, 25-anyos, tubong-Alaminos, Pangasinan, residente ng Pangarap Village, Sapang Alat Road, Brgy. Tala, Caloocan City. Samantala, ang biktima naman ay nakilala lamang sa alyas na Ruby.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga awtoridad, naganap ang panghahalay sa biktima nito lamang Hunyo 10, 2012.

Nabatid sa biktima na niyaya umano siya ng suspek sa tinutuluyang barracks sa Phase-1 Towerville 6, Brgy. Gaya-gaya, San Jose del Monte City, kung saan niyaya itong kumain ng meryenda.

Makalipas ang ilang minuto, agad umano siyang nakaramdam ng pagkahilo, dahilan upang  samantalahin ng suspek, kung saan labis na ikinagulat ng dalagita nang makaramdam ito ng pananakit sa maselang bahagi ng katawan.

(TONY DELA PEÑA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.