Dalagita, Dinaliri ng Amo

KALABOSO ANG isang lalaki,kasama ang kanyang kaibigan na kamag-anak ng biktima makaraang maghain ng reklamo ang lola ng dalagita sa himpilan ng pulisya sa Angat, Bulacan dahil sa ginawang kahalayan ng suspek.

Sa ulat na tinanggap ni PNP Provincial Director P/S Supt. Fernando H. Mendez, Jr., kinilala ang nadakip na suspek na si Marcelino San Pedro, 40, residente ng Brgy. Bayabas, DRT at Pastora Esquivel, samantalang ang biktima naman ay itinago sa pangalang Joan, 12 anyos.

Base sa inisyal na imbestigasyon ni P/Insp. Lilibeth Ngoho, ng WCCD, ipinasok ang biktima bilang katulong ng kanyang kamag-anak na si Pastora sa suspek. Bagama’t alam nito ang ginagawang kahalayan ng kaibigan, nagsawalang-kibo na lamang ito.

Nabatid na humihingi ng  tulong ang dalagita sa kanyang lola, na naging dahilan ng pagkakaaresto sa mga suspek na nahaharap ngayon sa kasong Rape in relation to republic Act 7610.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.