Dalagita, Dedo sa Sakmal ng Aso

HINDI NA umabot nang buhay sa pagamutan ang siyam na taong gulang na dalagita dahil sa grabeng sugat na tinamo nito sa iba’t ibang parte ng katawan nang sakmalin ng isang malaking German Shepherd habang dumadaan ito sa may Summer Hill Subdivision, Barangay Pasonanca sa Zamboanga City.

Nakilala ang nasabing biktima na si Mariane Gonzalez Pahamutang, Grade 4 pupil ng Pasonanca Elementary School at residente ng Barangay Cabatangan sa  naturang lungsod.

Ayon sa imbestigador ng kaso na si PO2 Ladja Alwazer, lumalabas sa medical examination ng biktima na ang mga grabeng sugat sa leeg nito ang naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Bandang alas-4:50 ng hapon kamakalawa habang pauwi na sana ang biktima sa kani-lang habay galing sa pinapasukan niyang eskwelahan nang atakehin ng nasabing aso na nakawala umano sa pagkakatali.

Masuwerte namang nakatakbo ang tatlo pang bata subalit nahulog naman sa kanal ang biktima kaya hindi na ito nakatakas sa mabangis na aso.

Napag-alaman na pagmamay-ari ng isang Geolar Tan ang nabanggit na aso na ngayon ay nasa Maynila.

Nakadetine naman sa selda ng pulisya ang dalawang tagapangalaga ng mga aso ni Tan na nakilalang sina Joel Canete at si RJ Serbrestre.

Sa ngayon, nasa kustodiya rin ng mga awtoridad ang asong nakapatay sa biktima.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.