Dalagita, Bugbog-Sarado sa Snatcher

BUGBOG-SARADO ANG inabot ng isang dalagita mula sa isang snatcher matapos hindi bumitaw sa cellphone ang una na hinablot ng huli sa Malabon City kamakalawa ng hapon.

Puro pasa sa mukha at bukol nang tumungo sa Caloocan Police si Catherine Flores, 18, ng Lourdes St., Caloocan City, upang pormal na magsampa ng reklamo laban sa suspek.

Kulong naman si Rosendo Tagami, 38, ng Salmon St., Caloocan City.

Base sa ulat, alas-4:20 ng hapon, busy sa kate-text ang biktima sa Maya-Maya St., Longos ng lungsod nang lapitan at hablutin ng suspek ang cellphone ni Flores.

Hindi bumitaw si Flores sa cellphone na naging dahilan upang pagsasapakin ng suspek.

Dahil dito, napilitang bumitaw ng biktima na naging dahilan upang makuha ang cellphone bago mabilis na tumakas ang suspek.

Humingi ng tulong sa mga pulis ang biktima at sa isinagawang follow-up operation ay nadakip ang suspek na nakuhanan pa ng patalim habang nabawi rin ng cellphone ni Flores.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.