Dalagita, 7 taong inasawa ng sariling ama

ISANG 15-ANYOS na dalagita na taga-Pasig City ang pormal na inireklamo ang sariling ama sa ginawa nitong panggagahasa sa kanya sa takot na tuluyan siyang mabuntis.

“Hanggang ngayon na kinse anyos na po ako, pitong taon na akong parang asawa ni Papa,” ayon pa sa pulisya ng biktimang itinago sa pa-ngalang ‘Janice’, grade 8 upang tuluyang wakasan ang pitong taong panggagamit ng amang si Romeo Mendoza y Ceo, 50, may-asawa, sewer, ng Kenneth Road, Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City.

Nagsumbong na ang nasabing biktima sa kanyang kaibigan sa eskwelahan na siya namang nagparating sa kanilang class adviser na hindi na rin nag-aksaya ng panahong magsumbong sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) kaya’t agad na naaresto ang salarin.

Labi-labis na galit sa sariling ama ang nararamdaman ngayon ng dalagita na laging ‘ginagamit’ sa tuwing wala ang nanay nito sa bahay.

Base sa pagsisiyasat ni PO2 Amy Baldonado, ng Women and Children’s Protective Desk (WCPD), walong taon palang umano siya nang simulan siyang gawing asawa ng kanyang ama.

“Sa tuwing umaalis si Mama para magtrabaho ay agad na akong tinatawag ni Papa sa kuwarto niya at doon ay paulit-ulit na ginagahasa po ako bago po ako pumasok sa eskwela,” ayon pa sa biktima.

Samantala, ang pinakahuli umanong insidente ay kamakailan ng alas-nuwebe ng umaga, papasok na umano ang dalagita sa paaralan nang tawagin siya ng ama.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

One thought on “Dalagita, 7 taong inasawa ng sariling ama

Leave a Reply

Your email address will not be published.